top of page
Search

Magpatuloy Ka

Writer: JJ CruzatJJ Cruzat

Updated: Oct 28, 2023

Sa panahong tumigil man ang yong mundo

Bumalikwas ang ikot nito

Ay Magpatuloy ka

Sa pagkakataong humupa ang tiwala

Malunod ang bilib ng kabog sa dibdib

Ay Magpatuloy ka


Hindi man nasuklian

Pusong ibiniyad, isinangla

Huwag manghinayang, matulala

Itoy Patunay lang na di barya ang yong tinaya

Hindi iba ang magdidkta

Magtatakda ng yong halaga

Kaya’t Magpatuloy ka


Mapusok man ang daan

Puno ng pawis,dugo, at masugatan

Ay Magpatuloy ka

Dahil sa bawat hakbang papalayo

Ay paghilom, nang yong sugat ay matuyo

Dahil sa bawat dangkal ay patungo

Sa mga munting piraso, unti unti sayo ay bubuo

Madaling Magsimula

Ngunit di sigurado ang huli

Kaya’t bitbitin mo ay tiwala

Pagtibayan na ang sarili

Balang araw ay matatanaw

Pangarap na matagal mo nang sinisigaw

Kaya muli

Magpatuloy ka


Recent Posts

See All

Comments


Post: Blog2_Post
  • LinkedIn

©2021 by Career and Passion: Finding things that keeps you ticking. Proudly created with Wix.com

bottom of page